57

Dec 29, 2019 @ 18:39
By

Joyous Solution harurot sa meta

Nagwagi ang kabayong Joyous Solution sa ‘Three-Year-Old Imported/Local Challenge’ race kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Magaan na dinala ni star jockey Jessie Basilio Guce si Joyous Solution, nag-abang lang sa tersero puwesto bago kumuha ng bandera sa home turn.

Sa huling 150 metro ng takbuhan ay lumayo na si Joyous Solution para tawirin ang meta na may dalawang kabayo ang distansya sa nasegundong si Magtotobetsky.

Nasilo ng owner ni Joyous Solution ang P900,000 na premyo sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Nakopo ng may-ari ni Magtotobetsky ang P337,500 habang napunta ang P187,500 sa owner ni Will To Win.

Nirehistro ng Joyous Solution ang 2:04.4 tiyempo sa nasabing 2,000-meter race.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?