58

Oct 22, 2021 @ 12:34
By

Joyce Pring laglag panty kay Loki

Ibinahagi ni Joyce Pring ang naging karanasan niya nang makita ang kanyang kinababaliwang English actor na si Tom Hiddleston o mas kilala bilang si “Loki.”

Anang host sa TikTok, taong 2014 nang unexpected niyang ma-meet ang aktor sa New York, USA.

Kuwento niya, lumabas siya sa tinutuluyan niya sa Manhattan bandang alas-5 ng umaga para bumili sana ng kape.

Ayun pala, doon niya na makikita ang “man of his dreams.”

“I saw this group of people who were taking photos with one random tall dude. That random tall dude turned out to be Tom Hiddleston—on my first day in New York!” ani Joyce.

“He was so tall, so nice, so courteous. I couldn’t believe that it was happening. I smelled him, I said, ‘hey Tom, I’m Joyce. I’m a huge fan from the Philippines. It’s so nice to meet you,’” pagpapatuloy niya.

Dahil dito, hindi na sinayang ng host ang pagkakataon para magpa-picture.

“He saw it and was like, ‘it’s all right, let’s take another photo,’ so we did and yes, mukha talaga akong fan girl but my heart was just [screaming],” sambit niya.

“That was one of the most magical travel experiences that I ever had. I couldn’t believe that it happened. That’s why I’ll always have a special place for New York in my heart,” dagdag pa niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?