44

Oct 5, 2021 @ 21:08
By

Joy kakasa pang mayora ng QC

Humirit ng ikalawang termino bilang alkalde ng Quezon City si incumbent Mayor Joy Belmonte.

Nitong Martes ng umaga naghain si Belmonte ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa reelection.

Kasama niyang naghain ng COC sa Commission on Elections ang running mate na si QC Vice Mayor Gian Sotto.

Inaasahang makakalaban ni Belmonte si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Ayon sa PTV report, maghahain si Defensor ng COC niya sa Oktubre 7 o Oktubre 8.

Magiging ka-tandem umano ni Defensor si Congressman Winnie Castelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?