23

Aug 4, 2020 @ 9:46
By

‘Jowa pass’ kanselado sa MECQ

Nilatag na ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga napagkasunduan nilang mga alkalde na guidelines sa quarantine status na aniya’y “medyo ECQ na medyo GCQ”: ang modified enhanced community quarantine o MECQ.

Kabilang dito ang pagkansela sa tinatawag niyang “jowa pass” o ang dahilan ng mga may dyowa na dahil gustong bumisita sa sinta nila ay lulusot sa quarantine protocol.

“UNOFFICIAL travel shall be strictly limited. All JOWA passes are cancelled,” sambit ni Remulla sa Facebook kaninang madaling-araw.

Mula Agosto 4 hanggang Agosto 18, nakasailalim sa MECQ ang Cavite, maging ang Laguna, Bulacan, Rizal at Metro Manila.

Narito ang iba pang napagkasunduan ng mga alkalde, batay kay Remulla:

– Ang Quarantine Pass System o Q-Pass ay muling non-transferable at isa lamang sa bawat bahay ang puedeng gumamit nito.

– Ang ‘Stay-at-Home’ order ay in effect. Sinuman ang walang Q-pass at nasa lansangan ay huhulihin at bibigyan ng katumbas na multa.

– Ang mga pabrika ay tuloy ang operasyon.

– Ang Work ID na may katumbas na HR schedule, ay kailangan laging dala ng bawat empleado para sa mga checkpoints.

– Ang lahat ng public transportation ay pwedeng mag-operate kapag ito ay para sa serbisyo ng mga pabrika, manggagawa at essential worker.

– Social distancing rules shall apply.

– Ang Palengke Policy ay in effect ayon sa patakaran ng bawat bayan.

– Ang curfew hours ay hindi nagbago: 8PM to 4AM.

– Ang mga golf course ay sarado.

– Ang mga mall ay balik sa Local Residents protocol. Maliban sa patakaran ng Tagaytay para sa karatig na bayan at maliban rin sa Trece Martires na kasama ang Indang at Amadeo.

– Limitado ang mall operations sa mga essential bank, supermarket at pharmacy. Sarado ang department store.

– Bawal ang dine-in sa lahat ng restaurant.

– Pwede ang full capacity construction sa public at private sectors, pero imomonitor at ipapatupad ng DPWH (public) at LGUs/DOLE (private).

– Ipapatupad ang mga barangay checkpoint.

– Sarado muli ang mga tiangge, barber shop, salon at computer shop.

– Wala munang “Lipat Bahay “ pansamantala habang MECQ.

– Depende sa alkalde kung ibabalik ang liquor ban o hindi.

– Bawal ang mga lamay sa patay.

– Limitado sa official business purposes ang inter-province travel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?