31

Jun 14, 2020 @ 18:11

Jovelyn tinulungan ang mga OFW

Tuloy lang sa pagseserbisyo para sa bayan si Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PBL) star Jovelyn Gonzaga ngayong may coronavirus pandemic.

Sa kanyang Instagram story kahapon, ibinahagi ng ng Cignal HD Spikers at Pacific Town-Army Lady Troopers, ang pagtulong ng PH Army ka kinaaniban din niya sa mga na-stranded na OFWs.

Ayon sa kanya 28-anyos, may taas na 5-8 na Ilonggang dalaga, may hatid na libreng wifi ang Army para sa mga OFWs upang magkaroon ang mga ito ng koneksyon sa kanilang mga mahal sa buhay.

Bukod rito, binigyan PA ang mga OFWs ng hygiene kit at nagkakaroon rin ng fun games upang hindi mainip ang mga ito habang naghihintay ng masasakyan pauwi.

“Hanggang sa abot ng aming makakaya kami po sa Phil. Army kasama ang pvt sectors ay tutulong para sa ating mga stranded na kababayan,” wakas na mensahe ni Gonzaga. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?