65

Apr 22, 2021 @ 12:24
By

Jovelyn Gonzaga inayawan national team

Hindi tinanggap ni Jovelyn Gonzaga ang imbitasyon para sa national team tryout sa indoor volleyball.

Sa Instagram story ng beteranang atleta, sinabi nito na ibang ruta naman ang kanyang tatahakin sa kanyang volleyball career.

“Thank you indoor volleyball! That was a great journey with [you]. For now it’s time for me to take a new route,” saad ni Gonzaga.

May mga report na nagsasabing balak ni Gonzaga na pasukin naman ang mundo ng beach volleyball.

2015 nagsimulang sumalang si Gonzaga sa national team, huling naglaro noong 2019 Southeast Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?