850
Journey sa Sacramento sinimulan na ni Alapag
Jun 26, 2019 @ 15:57
By

Journey sa Sacramento sinimulan na ni Alapag

Nagsimula na ang journey ni Jimmy Alapag bilang bahagi ng coaching staff para sa NBA team na Sacramento Kings.

Kasalukuyang nasa Sacramento, California ang “The Mighty Mouse” na inimbitahan ni Kings general manager at former NBA player Vlade Divac, ayon sa report ng ESPN.

Magsisilbing assistant coach para sa Kings ang former Gilas Pilipinas team captain at San Miguel Alab Pilipinas coach para sa Summer League mula Hulyo 5-15 na gaganapin sa Las Vegas.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Alapag ang kanyang Sacramento gears at may caption pang “And so it begins….Day 1 complete @sacramentokings #Kings#SummerLeague #Sacramento #Vegas#Coach #Stretch #Learn #Grow#Thankful #TeamNike.”

Nagbigay rin ng ilang update si Alapag sa kanyang IG story kasama na jan ang lugar na pag-eensayuhan ng koponan na Golden 1 Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?