41

Dec 9, 2021 @ 8:38
By

Journalist tinumba ng tandem sa Samar

Patay sa pamamaril ang isang 58-anyos na beteranong journalist sa Calbayog City, Samar nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jess Malabanan, correspondent ng pahayagang Manila Standard.

Ayon sa ulat ng Calbayog Police Station, nanonood ng TV si Malabanan sa loob ng kanyang tindahan sa Barangay San Joaquin nang pagbabarilin siya ng mga ‘di pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo.

Dinala pa ang biktima sa pagamutan ngunit dineklara ring dead on arrival.

Kinondena naman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMs) ang pagpatay kay Malabanan.

“This cowardly killing in the midst of a pandemic is truly unforgivable,” saad ni PTFoMs executive director Undersecretary Joel Sy Egco. “We will get to the bottom of this and will stop at nothing in bringing to justice the perpetrators of this despicable crime.”

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang posibleng motibo sa pagpatay kay Malabanan, gayong wala naman umano itong kaaway at hindi isang ‘hard-hitting’ journalist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?