94

Dec 10, 2020 @ 18:58
By

Journalist inaresto sa Mandaluyong

Isang babaeng mamamahayag ang dinakip ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, ayon sa media organization na National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Batay sa Facebook page ng NUJP, kabilang sa dinakip sa mga operasyong isinagawa ng PNP nitong umaga si Manila Today editor Lady Ann Salem.

Dagdag ng NUJP, inaresto si Salem ng Criminal Investigation and Detection Group sa bahay nito sa Mandaluyong kasabay ng Human Rights Day.

“Journalist and Manila Today editor Lady Ann Salem was among those arrested in a wave of arrests conducted by the Philippine National Police (PNP) this morning. The Criminal Investigation and Detection Group of the PNP arrested Salem at her house in Mandaluyong City at approximately 9 AM this morning,” pahayag ng NUJP.

“The police has yet to release details of the charges against the journalist,” dagdag nito.

https://www.facebook.com/nujphil/posts/10164487148550374

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?