2
chess2
By

Jota hari sa Sariaya chess

Sharing is caring!

Sinikwat ni Lyceum of the Philippines University (LPU) Manila top player Jonathan Maca Jota ang titulo sa katatapos na 1st Hon. Marcelo Predilla Gayeta rapid chess tournament na may temang Gilas Chess Camp na ginanap sa Sariaya Sports Complex, Sariaya Quezon.

Kaparehong puntos ni Jota si dating National University (NU) mainstay Vince Angelo Medina na may tig-6.5 points subalit matapos ipatupad ang tie break points, ay naibulsa ng una ang titulo upang makuha ang top prize P4,000 sa event na inorganisa ng Sariaya Chess Club.

Nasubi naman ni Medina ang runner-up purse P2,500 sa event na ipinatupad ang seven-round Swiss System at may 25 minutes time control format.

Hindi naman nagpahuli ang ipinagmamalaki ng Mulanay, Quezon na si Reymond Jay Ompod ng Dela Salle Lipa sa paglikom ng 6.0 puntos tungo sa P1,000 para sa 3rd place cash prize.

Nahamig ni Don Tyrone “Turon” Delos Santos, dating pambato ng Arellano University ang P700 para sa 4th place finish na may naipong 5.0 puntos, ang iskor na naitala din ni Jason Par tungo sa 5th place finish para sa P500.

May tig-P300 ang naibulsa ng mga manlalaro na nakapasok sa top 10 na kinabibilangan nina 6th place Rafael Dionisio (5 pts.), 7th place Gary Legaspi (5 pts.), 8th place Joland Abaricia (5 pts.), 9th place Dindo Ormasa (5 pts.) at 10th place Riggz Padernal (4.5 pts.).

Nakatanggap naman na tig-P500 ang mga category winner na sina Alexis Anne Osena (Top Lady), Dennis Norbe (Top Sariaya), Pantaleon Valencia (Top Senior) at� Mark Anthony Palo (Top Junior).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?