16

Feb 23, 2021 @ 11:44
By

Joshua Torralba nabakunahan na

Binahagi ni PBA aspirant Joshua Torralba na nakatanggap na siya ng COVID-19 vaccine sa Amerika.

“I actually got the vaccine so I’m more safe,” lahad ng MPBL player sa panayam ng ‘Sportalakan’ sa Abante News Online.

Aniya, bago siya bumalik ng Pilipinas ay hinihintay niya muna ang kanyang ikalawang dose ng bakuna.

“I got the first dose, so I’m waiting for my second dose before I go to the Philippines,” ani ng dating DLSU Green Archer guard.

Saad ni Torralba, isa ang kanilang lugar sa may mga pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa state ng Texas.

Sa ngayon ay trainer muna si Torralba para sa academy ng Rio Grande Valley Vipers habang nasa Texas para na rin manatiling kondisyon sa papalapit na PBA Rookie Draft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?