221
julia-cole
Apr 21, 2018 @ 20:27
By

Joshua selos sa yakap ni Julia kay Cole

Pinalagan ng mga fan ni Joshua Garcia ang mahigpit na yakap (halos nakapulupot ang mga braso) ni Julia Barretto kay American actor Cole Sprouse. Sabi ng mga fan ni Joshua, bakit daw si Joshua, pinuri lang ang photo ng isang magandang fan, nagwala na ang kampo ni Julia.

Eh, ito ngang photo raw nina Julia at Cole, sobra ang yakapan, at nakakaselos talaga. So, pag si Julia raw ba ang gagawa ng ganito, okey lang? Pero pag si Joshua, bawal.

Na siyempre rumesbak din ang mga maka-Julia, at sinabi nga na magkaiba ang sitwasyon. Si Julia ay nagpaka-fan lang kay Cole, at malabong umabot sa kung ano man ang pagkikita nila.

Pero ang nangyari kay Joshua at sa girl na fan, may posibilidad noon na mapunta sa kung saan. Pero, tapos na nga ‘yon. Well, makatulong kaya sa movie ng JoshLia with Kris Aquino ang away ng maka-Joshua at maka-Julia? Abangan!

Pero, nagselos nga ba si Joshua sa yakap na ‘yon ni Julia kay Cole?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?