45

Oct 1, 2020 @ 16:24
By

Joshua nagsisi na ngayon lang naging vlogger

Maraming na-realize si aktor Joshua Garcia lalo ngayong panahon ng anti-coronavirus quarantine.

“Puro para sa sarili ko. For example, ‘yung sa vlog. Na-realize ko na dapat matagal ko na siyang ginawa kasi ang daming nangyaring magagandang events sa buhay ko simula nung nag-artista ako, na sana na-share ko sa mga tao,” kwento niya kay aktres Erich Gonzales.

Napagtanto rin aniya niya ang pagiging importante ng ilang bagay gaya ng pagbabasa ng libro, at ang pagpapahalaga sa kanyang oras.

“Nung nag-pandemic, na-realize ko ‘yung mga maliliit na bagay na importante. ‘Yung simpleng pagbabasa lang ng libro na before hindi ko ginagawa. More on myself lang talaga.”

“Na-realize kong magpahalaga sa oras ko kasi before, ang bilis ng mga nangyayari. Project nang project ang ginagawa ko. Hindi ko namamalayan ‘yung nasa paligid ko, nawawalan ako ng time sa family ko, para sa sarili ko mismo. Hindi na ako nagpe-pay attention masyado sa buhay ko, dirediretso lang ako,” aniya pa.

Magiging 22 years old na si Garcia sa darating na Oktubre 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?