102

Jun 18, 2020 @ 8:18

Joshua naakit kay Salvador

Biglang nabuhay sa Instagram world ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia dahil sa kaseksihan ni Maja Salvador.

Bihira lang kasi kung magparamdam sa IG world ang aktor at mukhang ang umagaw ng atensyon niya at hindi talaga napigilang mag-react ay ang nagliliyab na kaseksihan ni Maja.

Nag-post kasi ang aktres ng kanyang summer aura sa Instagram kung saan medyo sumisilip pa nga ng konti ang pisngi ng langit.

“Aba! (fire emoji)” comment ni Joshua sa post ni Maja.

Nag-reply rin naman agad sa kanya ang aktres ng kiss emoji.

Nagkasama sina Maja at Joshua sa The Killer Bride. Malamang ay miss na miss na nila ang isa’t isa. (Athena Yap)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?