41
golden-laurel
Jun 15, 2018 @ 16:12
By

Joshua, Maja best actor/actress sa Golden Laurel

Wagi ang ABS-CBN bilang Best TV Station sa 3rd Golden Laurel Awards ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Batangas, kung saan naiuwi nila ang 19 pang tropeo kasama ang Best News Program para sa TV Patrol at Best Primetime Series para sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito na ang ikatlong Best TV Station na natanggap ng Kapamilya network mula sa isang LPU campus ngayong taon, patunay na ito ang paboritong istasyon ng mga Lycean.

Panalo rin sa Batangas ang mga programa ng ABS-CBN Integrated News at Current Affairs tulad ng Umagang Kay Ganda (Best Morning Show), Red Alert (Best Public Affairs Program), at Matanglawin (Best Educational Program). Tinanghal din si Noli De Castro bilang Best Male News Anchor at Kim Atienza bilang Best Educational Program Host.

Umani rin ng tropeo ang The Greatest Love bilang Best Afternoon Series, ang Home Sweetie Home bilang Best Family Oriented Show, It’s Showtime bilang Best Noontime Show, ASAP bilang Best Sunday Variety Show, at Gandang Gabi Vice bilang Best Talk Show.

Pinarangalan din sina Joshua Garcia at Maja Salvador bilang Best TV Actor at Best TV Actress sa mga ginampanan nilang karakter sa The Good Son at Wildflower. Si Vice Ganda ang Best Talk Show Host, at sina Moira Dela Torre at Darren Espanto ang Best Female/Male Recording Artist.

Si Alex Gonzaga ang Most Influential Social Media Personality.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?