1,546
joshua-julia
Mar 22, 2018 @ 18:48
By

Joshua, Julia, naghiwalay pero nagbalikan agad

Nagkaroon ba ng problema sa ‘relasyon’ sina Joshua Garcia at Julia Barretto?

Ito kaagad ang tanong ng mga netizen nung mapansin nila na in-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram.

Agad talagang umani ito ng reaksiyon sa kanilang mga tagahanga at agam-agam kung ano ang nangyayari sa dalawa.

Pero, agad naman silang masaya nang bigla rin finallow nila ang isa’t isa which means wala namang problema.

But just the same, naging palaisipan ito sa kanilang mga tagahanga. Hindi pa rin maalis ang mga tanong nila na, ‘Anyare?’

Magkaroon nga ba ng saglit na tampuhan ang dalawa pero naayos din kaagad? Minor problem lang ba ‘yun na agad namang naplantsa?

Well, sila lang ang puwedeng sumagot nito pero ang importante ay pina-follow ulit nila ang isa’t isa at happy together pa rin sila, noh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?