133
joshua-julia
May 24, 2018 @ 20:54
By

Joshua, Julia hindi bitter sa pang-iisnab ng Urian 

Dedma lang si Julia Barretto kahit naisnab ng URIAN ang acting niya sa Love You to the Stars and Back. Nirerespeto nga raw ni Julia ang desisyon ng mga taga-URIAN habang masaya at grateful siya sa nomination naman niya sa FAMAS at um-attend pa nga sila ni Joshua Garcia sa nominees night ng oldest award giving body.

Si Joshua naman ay nagsabing baka hindi pa nila panahon ni Julia na ma-nominate sa URIAN at baka next year naman daw ay suwertihin na sila at ma-nominate nga sa nasabing award giving body. At least, hindi katulad ng iba ang dalawa na bitter, ‘noh?!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?