332

By

Joshua, Julia daig pa ang mag-asawa kung umasta

Sharing is caring!

Lumabas sa ‘5 in 45’ segment ng ‘Tonight With Boy Abunda’ kung gaano na kakilala ng ‘I Love You, Hater’ star na sina Joshua Garcia at Julia Barretto ang isa’t isa, dahil maging sa detalye ng paghilik, pag-utot, at pagdumi, alam nila tungkol sa isa’t isa.

Pagbubuking ni Joshua, nakabukas daw ang bibig ni Julia habang natutulog at mabilisan daw ito kapag dumumi. Bumuwelta naman si Julia na si Joshua ay malakas humilik at inaabot ng trenta minutos sa pagdumi.

Kahit na ang personal na ng mga impormasyong ito, hindi naman mapigilang kiligin ng mga fan sa closeness ng dalawa. Sabi nga, karamihan sa mga detalyeng ganiyan, nalalaman na lang ng dalawang mag-dyowa kapag kasal na sila.

Speaking of kasalan, tinanong ni Tito Boy si Joshua kung may balak ba siyang pakasalan si Julia in eight to ten years. Ang sagot naman ng binata, “Yes, Tito Boy” na siya namang tinilian ng mga fan sa studio.

Mukhang mas matatag na ngayon ang JoshLia at tuluyang nalampasan ang i­syung kinasangkutan ni Joshua online nitong taon.

Ibinahagi naman ni Julia na dahil sa naturang kontrobersiya, nalaman niya kung gaano siya kalakas, “Hindi ako basta-basta sumusuko sa taong mahal ko pala, Tito Boy.”

Si Joshua naman, sinabing natutunan niya na, “Pahalagahan kung anong meron ako.”

Napapanood na ngayon sa mga sinehan ang pelikula nilang ‘I Love You, Hater’ kasama si Kris Aquino, na bongga ang hinahamig na datung sa takilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?