136
Joshua, Janella muling magsasama
Feb 20, 2020 @ 18:22
By

Joshua, Janella muling magsasama

Matapos ang matagumpay nilang TV series na “The Killer Bride”, makikitang muli na magkasama sina Joshua Garcia at Janella Salvador sa upcoming episode ng “Maalaala Mo Kaya”.

Gagampanan nila ang dalawang estudyante na nagkatagpo sa pep squad ng kanilang eskuwelahan.

Sa Instagram ng MMK official, makikita ang pagsabak sa training ng dalawa bilang pep squad members.

Na-excite at kilig much naman ang mga follower ng dalawa sa patikim na eksena.

Bago ang “Maalaala Mo Kaya”, natsitsismis na ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Nagkalapit daw ang JoshNella nang magkasama sa “The Killer Bride”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?