34

By

Joshua Jacobe super borta na, willing maghubad

Sharing is caring!

Bortang-borta na ang katawan ng Kapuso actor-singer at member ng singing group na To The T.O.P. na si Joshua Jacobe.

Pinost nga ni Joshua ang kanyang shirtless photo sa social media at maraming netizens ang biglang nagkaroon ng interes na makilala siya.

Hindi naman nagpatalo si Joshua sa pagpapakita ng katawan kahit kasama pa niya ang mga Kapuso hunks na sina Gil Cuerva at Kiko Estrada sa isang IG post niya.

Ayon sa actor-singer na huling napanood sa teleserye na Ang Forever Ko’y Ikaw, mataba raw siya noong makasama siya sa To The T.O.P. Kaya na-challenge siyang magpapayat at magpaganda ng katawan.

“Actually nag-umpisa ako sa grupo na medyo mataba ako kasi I had to take meds back then and medyo nakakataba po ‘yun.

“Naging strenuous talaga ang workouts ko. Nag-treadmill ako for 20 minutes every day and side waist treadmill tapos patalikod.

“Pawis talaga kung pawis, ginagawa ko para talaga mag-lose ako ng weight.

“Mahirap siya hindi lang siya puro workout kailanga din ‘yung diet mo… less kanin and pasta, more on like lean meat dun ako.”

Dahil sa magandang katawan ni Joshua, may mga nag-uudyok dito na maging daring na siya sa mga pictorial nito at maging open na tumanggap ng mga sexy role.

Ako I’m ready naman to take on roles na medyo daring,” sabi niya. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?