37

By

Joshua ibinuking ang banyo habit, paghihilik ni Julia

Sharing is caring!

At least very ‘human’ ang dating ng revelations nina Joshua Garcia at Julia Barretto tungkol sa ilang fact sa kanila na hindi alam ng mga tao.

Sa tsikahan nga nila ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, ‘nagbukingan’ nga ang dalawa nang ilang ginagawa nila na hindi alam ng lahat.

Ayon nga kay Joshua, kapag pagod si Julia ay nakakatulog itong nakabuka ang bunganga o nakanganga. At malakas din daw itong humilik.

Madalas din daw itong mag-poops, pero saglit lang ito sa banyo.

Ayon naman kay Julia, kaya raw ni Josh ang maglaro ng computer hanggang madaling-araw at madalas din daw itong humilik. Pero, kinontra niya ang description ni Joshua sa klase ng paghilik niya na para sa kanya ay cute lang itong pakinggan.

Unlike sa kanya, matagal daw mag-poops ang kanyang labadabs na umaabot ng 30 minutes itong nasa banyo.

Anyway, nagpasalamat ang JoshLia sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang i Love You, Hater na showing pa rin ngayon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?