151

Oct 8, 2017 @ 12:06

Joshua Garcia, sobrang clingy kay Julia Barretto

Syungaers (tanga) na lang ang maniniwala na ‘friends’ lang sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Eh, malinaw pa sa sikat ng araw na magdyowa na silang dalawa.

Sa party nga ni Maja Salvador, kapansin-pansin ang pagho-holding hands ng dalawa. Ni ayaw na nga raw magbitiw ng mga kamay ng dalawa.

At kahit sa mga eksenang nakaupo na lang sila, at nanonood sa pagkanta ni Cacai Bautista, hindi pa rin talaga nagbibitaw ang mga kamay nila, ha!

Well, wala namang kontra kung maging magdyowa na sila. Katunayan, kilig na kilig ang mga fans nila, at sa mga statements naman nilang dalawa, mukhang love or bet na bet din nila ang isa’t isa.

Marami nga ang nagsasabi na hindi na dapat palampasin pa ni Julia ang isang lalakeng tulad ni Joshua, na bukod sa sobrang clingy, lambing, sa kanya lang talaga nakatingin.

Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang babae, kung halos araw-araw sa buhay mo, para kang hinaharana ng lalake. Go na, ‘di ba?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?