271
Joshua Garcia nangharana sa birthday ni Julia Barretto
By

Joshua Garcia nangharana sa birthday ni Julia Barretto

Napaka-sweet nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa birthday party ng huli kung saan ay tila hindi mapaghiwalay ang mga ito na todo ang yakap sa isa’t isa.

Ngayong March 10 ang ika-22 kaarawan ni Julia at naganap ang naturang birthday party kahapon, March 9 ng gabi.

Sa Instagram post ng kaibigang si Maris Racal makikitang sweet na sweet sina Joshua at Julia habang magkayakap at sumasayaw sa saliw ng awiting ‘Your Universe’.

Pagkarating pa lamang ni Joshua sa venue ng party ay mahigpit na yakap na agad ang pinagsaluhan ng dalawa.

Sa Instagram post naman ni IC Mendoza ay makikita ang pag-awit ni Joshua ng kantang ‘Harana’ para sa birthday celebrant.

Inasar pa ni IC si Julia na kunwari ay hindi kinikilig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?