107

Oct 21, 2021 @ 16:47
By

Joshua Garcia ‘milyonaryo’ sa followers

Pumalo na sa apat na milyon ang followers sa Instagram ng aktor na si Joshua Garcia.

Sa kanyang IG, nagpasalamat siya sa suporta ng mga fan.

“Thank you to all my followers! Happy 4 million everyone, I love you all,” caption ni Joshua.

Kasalukuyang nali-link ang aktor sa vlogger na si Ivana Alawi, na may mahigit 7M followers.

Binuking kasi ng kapatid ni Ivana na si Mona na may crush ang ate niya kay Joshua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?