431

By

Joshua crush si Alice Dixson – Julia

Sharing is caring!

BINISTO ni Julia Barretto sa isinagawang presscon ng bagong teleseryeng Ngayon at Kailanman ng ABS-CBN kaninang tanghali, August 13, sa Dolphy Theater, na matindi raw ang crush ng kanyang kalabtim at kasintahan na si Joshua Garcia sa magandang aktres na si Alice Dixson.

Nung una ay ayaw pang payagan ni Joshua si Julia na ibulgar ang sobrang paghanga niya kay Alice sa harap ng entertainment press at ilang fans na nasa loob ng naturang venue.

Pero dahil sa kantyawan at pamimilit ay pumayag na rin si Joshua na ibisto ang kanyang lihim na crush sa beteranang aktres.

“Tumawag siya o nag-text sa ‘kin na tapos na raw ang taping niya kaeksena ang kanyang ‘girlfriend. Nagulat ako dahil hindi ko alam na may gf pala siya sa serye. Tapos dun ko na nalaman nang sabihin siyang si Alice Dixson,” tsika ni Julia habang hiyang-hiya na nangiti na lang si Joshua na halatang may kilig factor din nang ibulgar ng dyowang young actress.

“Hala, ibinuking mo pa,” sagot naman ni Alice na dinagdag pang kaya raw nagtataka siya kung bakit tila naaalangan ang young actor ‘pag magkaeksena sila.

Maliban sa JoshLia at Alice, kasama rin sa Ngayon at Kailanman sina Iza Calzado, Ina Raymundo, Rio Locsin, Dominoc Ochoa, Christian Vasquez, TJ Trinidad, Joao Constancia, Jameson Blake at Ms. Rosemarie Gil.

Mapanunuood na ang Ngayon at Kailanman simula sa Agosto 20 pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Primetime Bida ng Dos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?