147

Jan 1, 2018 @ 10:53
By

Joshua choice niyang maging masaya kay Julia

Hindi kayang palamigin ng yelo sa Japan ang puso at kaligayahan ni Joshua Garcia sa piling ng kasintanang si Julia Baretto.

Hindi pa umaamin ang dalawa sa kanilang relasyon pero sa mga mensahe ni Joshua at Julia sa isa’t-isa malalamang hindi lang mutual understanding meron ang dalawa kundi isang official relationship na.

Kasama si Joshua ng pamilya ni Julia na sina Marjorie, sisters na sina Dani at Claudia at younger brother na si Leon sa bakasyon nila sa Japan nitong holiday season.
Kung nakakapagpatunaw lang ang init ng pagmamahal sa yelo, baka nalusaw na ang bawat tapakan ni Joshua sa Niseko, Japan.

Makikita sa posting ng photo ni Joshua habang hawak-hawak nya ang kamay ni Julia sa nyebe ang wagas na mga ngiti at saya nito sa pagsasama nilang ito nang kasintahan.
@garciajoshuae, “happiness is a choice, and this is mine”.

Ito rin ang larawan na pinoste ni Julia sa kanyang IG wall at nagmensahe nang pagiging thankful sa pagdating ni Joshua sa kanyang buhay nitong 2017.
@juliabarretto, “Ringing in the new year with the person I shared the most magical moments withthis year. Thankful for you.”

Hindi lang ito ang larawang pinoste ni Joshua sa kanyang IG wall, may isa pa na kakilig-kilig sa paninging mga mga fans nila.
Nakahiga sa nyebe ang magkasintahan habang nakayakap si Julia kay Joshua. Magkatapat ang kani-kanilang mga mukha.

So, hindi na kataka-taka kung mas magiging cheesy pa ang dalawa sa 2018 dahil parang ngayon pa lang nagsisimuklang ipakita nang dalawa sa social media kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

May approval at tanggap naman ni Marj ang pakikipagkasintahan ni Julia kay Joshua, dahil kasama pa nga ang dating aktres sa bakasyong ito. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?