441

May 27, 2021 @ 12:55
By

Josh tuluyang bumukod kay Kris

Nagpaalam si Kris Aquino sa kanyang panganay na si Josh dahil pinili nitong manirahan na sa Tarlac.

Sa Instagram post ng ‘Queen of All Media’, pinakita niya ang yakapan nilang mag-iina bago sila bumalik ni Bimby sa kanilang tahanan.

“Namili na si kuya Josh, gusto na niya talagang tumira sa Alto (our family compound) in what he calls ‘lola’s house’, in Tarlac,” saad ni Kris.

Binahagi rin ni Kris na para sa kaarawan ni Josh sa June 4 ay naghanda sila ng 800 grocery bag para ipamigay sa mga residente ng Tarlac.

Aminado rin si Kris na hindi perpekto ang kanilang pamilya at nagkakaroon din sila ng tampuhan.

“We are not a perfect family, nagka mahabang tampuhan yung 2 boys BUT nakuha talaga sa dasal, pasensya, at pagmamahal,” sey ni Kris. “Finally kahapon naramdaman kong nabalik na yung dating higpit ng yakapan at kulitan/lambingan nung dalawa.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?