12

Sep 17, 2020 @ 16:41
By

Josh Smith binastos si Doc Rivers

Nakakatulog pa kaya si Los Angeles Clippers coach Doc Rivers sa dami ng nakakaalala sa kanya matapos muling matalo kahit hawak na ang 3-1 advantage?

Sa Instagram post ng dating NBA player na si Josh Smith, tinawag nitong ‘bum’ at may hashtag pa na #ByeDoc, na klarong patama kay Rivers.

Si Smith kasi ay parte ng Houston Rockets team na tumalo kay Rivers noong 2015 Western Conference semis, kung saan bumangon din sila mula sa 3-1 hole.

Ngunit matapos ang naturang season, pumirma naman si Smith sa LAC ngunit kaagad ding binalik sa Rockets kaya’t posibleng may sama ng loob ang manlalaro kay Rivers at sa Clippers.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?