1,006

Jul 20, 2018 @ 12:27
By

Josh, na-diagnosed na may problema sa esophagus

Na-diagnosed ang panganay na anak ni Kris Aquino na may erosive esophagitis.

Ayon sa update ng aktres sa kanyang Instagram, mula pa noong Miyerkules nasa ospital si Joshua, na anak nila ni actor Phillip Salvador.

Sa mga clips ng medical tests at procedures ni Josh na ibinahagi ni Kris sa kanyang milyong followers sa IG, sinabi ni Kris na na-diagnosed ang panganay niya na may “erosive esophagitis due to severe acid reflux and ulcers”.

Sabi ni Kris, marami pa umanong pagsusuri ang gagawin sa 23-anyos niyang anak para mas detalyado umano ang resulta.

Sasailalim umano si Josh sa gamutan sa loob ng 12 na linggo at muling dadaan sa colonoscopy.

Nagpasalamat naman si Kris sa mga nagdadasal para sa recovery ng kanyang anak.

“Magtitiwala po ako na sa dami nyong nagdarasal para kay kuya, God will heal him. From a mother na hindi kinayang magpahinga hangga’t hindi mahimbing ang tulog ng kanyang [dalawang anak], at alam na kailangan magbahagi ng totoong diagnosis dahil minamahal niyo ang mga anak ko, thank you.

“Hindi ko po malilimutan ang kabutihang puso na pinakita ninyo sa amin. You are all our guardian angels and rainbows in the storms of our family’s journey,” sabi niya.

Ang pagkakaospital ni Josh ay naging daan para magkabati naman sina Kris at dating Pangulong Noynoy Aquino na hindi umano nag-usap ng tatlong buwan.

Dahil sa gustong makita ni Josh ang kanyang Tito Noy ay kinapalan na umano ni Kris ang kanyang mukha at nakipagkonekta sa kanyang kuya. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?