25

By

Josh Henderson arestado sa pagnanakaw

Sharing is caring!

Inaresto ang Hollywood hunk na si Josh Henderson sa Los Angeles for suspected burglary.

Nakilala ang 37-year-old actor dahil sa mga papel niya sa American series na Desperate Housewives, The Arrangement at Dallas.

Ayon sa report ng TMZ, si Henderson ang pinaghinalaan ng neighbor nila na nagnakaw sa loob ng bahay nila. Pero nag-deny na ang aktor sa may kinalaman siya sa pagnanakaw.

Ninakaw sa naturang bahay ay mga alahas na nagkakahalaga ng $7,000. Sa nakunan ng CCTV camera, nakita ang aktor na may kasamang dalawang lalake habang bitbit nila ang mga ninakaw na alahas.

Nag-post ng $50,000 bail ang aktor pagkatapos ng ilang oras sa pag-aresto sa kanya. He is due in court on January 3.

Ayon pa sa lawyer ng aktor:

“Josh was initially mistakenly identified with a grainy security camera, but he is fully cooperating and evidence is now being presented to the authorities showing he had nothing to do with any of this.

“Josh is innocent and we are confident he will be cleared very quickly.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?