23

Sep 13, 2020 @ 17:52
By

Joseph Gordon-Levitt nilabas na ang Pinoy-inspired short film!

Isa ang Hollywood actor na si Joseph Gordon-Levitt sa mga foreigner na na-in love sa kagandahan ng Pilipinas.

Patunay dito ang kanyang naging proyekto kasama ang hitRECord na ‘The Beauty of the Philippines’, isang short film na nagpapakita ng kagandahan ng ‘Pinas.

“Really pleased to share ‘The Beauty of the Philippines,’ the short film that so many of you created!” ayon sa Facebook post ni Gordon-Levitt.

Matatandaan na nitong mga nagdaang linggo ay nagtawag ang ‘500 Days of Summer’ star ng mga Pinoy writer, voice actor at nangolekta din ng mga larawan mula sa mga Pinoy.

“Artists from the Philippines contributed thousands of photos and videos to bring other artists’ writing and voice acting to life,” saad pa ng aktor.

“Your enthusiasm for this project really moved me. So did your talent and creativity,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?