309

Dec 30, 2017 @ 15:39
By

Joross nagmura nang matalo kay Derek?

Bokya mang makapag-uwi ng acting trophy si Joross Gamboa sa festival movie nila ni Edgar Allan Guzman na ‘Deadma Walking’, wala siyang sakit na naramdaman. Winner ng Best Supporting Actor si EA kung saan siya nominado habang sa Best Actor category naman inilagay si Joross.

“Para sa akin kuntento naman ako. Sabi nga namin ni Joross sa unang presscon namin, ‘yung award kumbaga eh bonus na lang. Sila bahala kung saan nila ako ilalagay,” saad ni Edgar nang magpa-presscon muli ang T-Rex Entertainment.

May tsismis na napamura raw si Joross nang hindi siya manalo, huh!

“Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Joross.

“Walang ganoon! Kasi nandoon ako eh. Katabi niya ako! So wala, wala. Hindi ganoon si Kuya Joross,” rason ni EA.

“Ako alam ko na na si EA ang mananalo. Talagang pinakita ko sa mga tao. Kami ang magkatabi at ipinakita ko sa kanya,” sey naman ni Joross.

Nalungkot ba siya nang matalo siya ni Derek (Ramsay)?

“Hindi! Walang isyu sa akin ‘yon. Kapatid ko si Brother Derek. Basta sa akin, na-appreciate ng tao ang ginawa namin, nagustuhan ni Direk (Julius Alfonso) ang performance namin, ‘yun ang importante,” rason ni Joross. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?