22

Nov 22, 2021 @ 16:10
By

Joross inoperahan sa achilles

Sumailalim sa surgery nitong Linggo ang aktor na si Joross Gamboa matapos magtamo ng injury sa kanyang achilles kamakailan.

Ibinahagi ni Joross sa kanyang Instagram post ang ilang sandali bago ang nakatakdang operasyon.

“Getting ready for my Achilles operation! God bless everyone! Praying for a smooth operation and a quick recovery in Jesus’ name,” aniya.


Nakuhanan pa ng video na ipinost noong Nobyembre 13 ang pagkapilay ni Joross habang naglalaro ng basketball.


“Achilles Injury (Narinig mo yun?) Nagbasketball kami sa 3rd floor naglaro kaming 3vs3 tapos ‘yung pagtakbo ko biglang may pumutok na malakas (may napigtas). Alam niyo feeling ng may humampas ng dospordos sa binte malamang hindi basta parang ganun. Di masakit sa simula, gulat lang. Akala ko nga may multo nun kasi walang tao sa likod ko. Tapos dahan dahan ng sumasakit taas ng sakong ko. Ayun napigtas na nga Achilles ko,” aniya.

Kaya payo ng aktor, mag-stretching bago maglaro ng pisikal na isport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?