87

Dec 22, 2017 @ 12:20
By

Joross, Edgar bading-acting mahirap kabugin sa pagka-best actor

Magkaka-alam na sa darating na MMFF2017 awards night kung sino ang tatanghaling pinakamahusay na artista (male&female) sa taong ito ng festival.

May tulog ang ibang entries sa husay nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman sa pelikulang “Deadma Walking”.

Napanood namin ang premiere showing ng pelikula nong huwebes nang gabi sa Trinoma Cinema 2, at hindi kami mapaniwala sa husay nang dalawang umarte bilang mga bading.

Kuwento ng isang dalawang baklang magtutulong-tulong na ma-fake ang funeral ng isa para lang mapagbigyan ang kagustuhan nitong marinig ang mga sasabihin ng mga kaibigan nya.

May taning ang buhay nang karakter na ginagampanan ni Joross sa movie at nais nitong i-fake ang pagkamatay at i-organized ang isang fake funeral para lang marinig ang anumang papuri o pamimintas sa kanya nang mga taong nakapaligid sa kanyang buhay.

Makakatulong nya ang napakiusapang si Edgar Allan na isang stage actor sa pelilkula na gawin ang fake funeral.

Mula umpisa hanggang sa huli ng pelikula, aakalain mong tunay na mga bading ang gumaganap dahil sa husay ng kanilang portrayal.

Kilalang mga straight-actors sina Edgar at Joross. Si Edgar na nagkaroon nang relasyon sa maraming babae at si Joross naman ay may sariling pamilya; asawa’t mga anak.

Mula sa paglalakad, galaw ng mata, kilay, bibig at salita walang mintis sa kanilang characterization sina Joross at Edgar.

Maiintindihan kung bakit minsan parang sobra na ang pagiging faggot ni Edgar. Pero dahil siya naman talaga ang hyper at loud sa kanilang magkaibigang dalawa, tama lang naman ang atake nya sa bawat eksena.

Kahit doon sa mga highly-emotional scenes nang bawat isa, hindi pa rin nawawala sa kanilang character sina Joross at Edgar.

Sa panahon ngayong marami nang bading na actors sa mga teleserye at pelikula, mukhang mababawasan ang raket nila dahil sa husay na nang mga straight-actors na gumanap sa papel ng isang bading.

Mahigpitan ang magiging laban sa pagka-best actor ngayong taon ng MMFF2017 at dadaan ang mga hurado sa butas nang karayom sa pagpili ng mga pinaniniwalaan nilang winner, dahil mahusay talaga sa kanilang portrayal sina Joross at Edgar.

Ang gumanap nang isang gay role sa buong pelikula nang walang mintis ay isang malaking challenge.

Anyways, ang pagpili ng best actor ay nakasalalay pa rin sa pamantayan ng mga hurado dahil magaling rin si Coco Martin bilang si “Panday”. Si Vic Sotto sa kanyang role sa “Meant To Beh”. Si Jericho Rosales sa “Siargao”. Si Paulo Avelino sa “Larawan”. Vice Ganda at Daniel Padilla sa “The Revengers” at si Derek Ramsay sa “All Of You”.

Magiging exciting nang labanan hindi lang sa box office kundi sa acting at technical awards. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?