87

Jul 15, 2019 @ 22:32

Jordan sama sa Gilas pool; Ravena laro na sa Aug. 24

Bilang back up naturalized player na lang para kay Andray Blatche kundi talaga kilalaning local player ng International Basketball Federation si Jordan Clarkson kaya napilitan pa ring sinama ni national coach Yeng Guiao sa 19-man training pool.

Inihayag ni Guiao na binilang niya sa listahan ang Fil-Am player ng Cleveland Cavaliers sa National Basketball Association na si Clarkson sa pag-asa sa himalang bebendisyunan ito ng FIBA bilang local player o naturalizad gaya ni Blatche para sa papasok na buwang 18th FIBA World Cup 2019 sa China.

Sa pool na sinumite nitong Lunes ni Guiao sa Samahang basketbol ng Pilipinas para maaprobahan, pasok ang pangalan ni Clarkson kahit nagparamdam na noon ang world governing cage body na malabong makilala itong local n a basketbolista.

Samantala, binanggit naman ni Gilas team manager Gabby Cui, na babalik sa aksiyon sa PH men’s quintet ang suspendidong si Kiefer Ravena sa August 24 exhibition game kontra Adelaide bago lumipad ang Nationals sa Foshan para sa World Cup sa Aug. 31-Sept. 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?