6

Jul 31, 2020 @ 20:49
By

Jordan maangas kontra Pelicans

Walang kalawang sa pagbabalik-aksyon ng 2019-20 NBA season si veteran guard Jordan Clarkson at ang Utah Jazz, umalpas laban sa New Orleans Pelicans, 106-104 nitong Biyernes.

Nagbaon si Clarkson ng 23 points, five rebounds at three assist habang may tig-20 markers sina Donovan Mitchell at Mike Conley.

Tinambakan man ng 16 puntos, bumangon at rumagasa angJazz upang maungusan ang Pelicans sa pagbabalik ng liga tapos matigil ng mahigit apat na buwan dahil sa COVID-19.

Sa huling segundo ng laban, sinalpak ni Jazz big man Rudy Gobert, unang player na tinamaan ng COVID-19, ang dalawang free throws upang makalamang kontra Pelicans at maibagahe ang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?