380

Mar 28, 2019 @ 19:46

Jordan, LeBron walang binatbat! Kobe NBA GOAT

Hindi nagtipid sa sagot ang five-time NBA champion na si Kobe Bryant nang maitanong kung sino ang mas magaling sa kanila nina Michael Jordan at LeBron James.

Sa interbyu kay ‘Black Mamba’ sa The Late Late Show With James Corden, sumali ang dating Los Angeles star sa segment na “Spill Your Guts or Fill Your Guts”.

Inusig ang two-time league finals MVP kung paano niya ira-rank sina Jordan, LeBron at siya base sa nakamit sa NBA at kung hindi masasagot ang tanong, mapipilitang kumain ng dila ng baka ang future Hall of Famer.

Sa una, tila iwas pang sagutin ni Bryant ang kontrobersyal na tanong, aktong kakainin na sana ang cow’s tongue ngunit biglang napaatras dahil sa amoy ng pagkain.

“Alright, fine: I’m the best, Michael’s second-best and LeBron’s third-best,” matipid ngunit malaman na sagot ni Bryant na dahilan para maghiyawan ang studio audience.

Kung titimbangin base ang accomplishment, may bukod sa kampeonato at finals MVP, nasungkit din ni Bryant ang 2008 NBA MVP, 18-time All-Star player, two-time scoring champ at dalawang jersey number ang iniretiro ng Lakers para sa kanya, ang 8 at 24.

Samantala, hindi rin naman pahuhuli si LeBron na naglalaro ngayon sa dating koponan ni Bryant, nakamit ang four league MVPs, tatlong championship kung saan lahat ay siya ring hinirang na Finals MVP at 15-time All-Star.

Ang Chicago Bulls legend naman na si Jordan, maipagmamayabang ang undefeated finals stint na 6-0, anim ring Finals MVP, limang league MVP at 14-time All-Star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?