10

Apr 16, 2021 @ 13:46
By

Jordan ihahandog Hall of Fame kay Kobe

Si Michael Jordan ang tatayo sa stage para pormal na ilagay si Kobe Bryant sa Naismith Basketball Hall of Fame.

Kilalang matalik na magkaibigan ang dalawang manlalaro, kung saan idolo ni Kobe si MJ at ginaya ang mga galaw nito sa court.

Noong masawi si Bryant noong 2020, isa si Jordan sa mga nagtungo sa memorial service para kay ‘Black Mamba’.

“When Kobe died, a little piece of me died. This kid had passion like you would never know. As I got to know him, I wanted to be the best big brother that I could be,” ayon kay Jordan.

Nakasama din si Kobe sa ‘The Last Dance’ documentary para kay MJ kung saan nagpasalamat siya kay ‘His Airness’ dahil sa paggabay nito sa kanya.

Bukod kay Kobe, kasama dito sa Hall of Fame class of 2020 sina Tim Duncan, Kevin Garnett, Patrick Baumann, Tamika Catchings, Kim Mulkey, Barbara Stevens, Eddie Sutton at Rudy Tomjanovich.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?