20

Oct 20, 2021 @ 18:31
By

Jordan Heading sa Taiwan didribol

Dumagdag pa ang Gilas standout na si Jordan Heading sa mga Pinoy player na lalaro sa ibang bansa.

Si Heading ay pumirma ng kontrata sa T1 League team na Taichung Suns.

Matatandaang si Heading ay kinuha ng Terrafirma Dyip sa special Gilas draft noong Marso.

Nag-average ang Fil-Aussie ng 6.5 points sa 17.4 minutes sa paglalaro para sa Gilas sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Si Heading ang ikatlong Pinoy na sasabak sa bagong buo na T1 League. Susundan niya sina Jason Brickman at Caelan Tiongson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?