177

Nov 10, 2019 @ 14:58
By

Jordan Clarkson tropa ang bagong import ng SMB

Malupitang binati ni Fil-Am NBA guard na si Jordan Clarkson ang bagong import ngayon ng San Miguel na si John Holland.

Sa kanyang Twitter account, nag-good luck ang Cleveland Cavaliers sixth man sa 31-year old athlete, na gumawa ng 10 points, 10 rebounds at dalawang block sa kanyang unang laro sa Beermen.

“yayyyyy thats my boyyyyy!!! goodluck over there bro!! show him love!!” sey sa tweet ni Clarkson.

Si Holland ay naglaro rin para sa Cavaliers noong 2017-18 season, ngunit na-relegate sa D-League affiliate na Canton Charge kung saan naging Impact Player of the Year siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?