112

Dec 11, 2017 @ 13:14

Jordan Clarkson: Pinoys, best basketball fans in the world

Labis ang kasiyahan ni Filipino-American guard Jordan Clarkson nang piliin ng FIBA ang Pilipinas na mag-host ng 2023 Basketball World Cup kasama ang Indonesia at Japan.

Sa kanyang Facebook post, ipinagmalaki ni Clarkson ang kanyang jacket na may tatak o logo ng Pilipinas.
“The Philippines have the best basketball fans in the world. It’s only fitting that we’re hosting the FIBA Basketball World Cup in 2023,” sabi ni Clarkson.

Hindi nga lang matiyak kung makakasama ba si Clarkson sa koponan ng Pilipinas sa pagsabak sa 2023 dahil kasalukuyan pang inaayos ang eligibility nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?