492

By

Jordan Clarkson pinayagan na ng NBA na makalaro sa Asian Games

Sharing is caring!

Tuloy-tuloy na ang paglaro ng Fil-Am na si Jordan Clarkson sa koponan ng Pilipinas na lalahok sa Asian Games na magsisimula sa Agosto 18.

Ayon kay Asian Games Chef de mission Richard Gomez, pinayagan na ng NBA na makapaglaro si Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas.

Wala pang malinaw na pahayag ang NBA rito subalit marami na ang nagbabalita na nagbago ang isip ng NBA para payagan si Clarkson.

Isinama ni head coach Yeng Guiao si Clarkson sa line-up na ipinadala sa Asian Games Organizing Committee ngunit hindi binigyan ng NBA si Clarkson ng clearance.

Marami ang umangal nang hindi pinayagan ng NBA si Clarkson na maglaro dahil maglalaro para sa China sina Houston Rockets’ Zhou Qi at Dallas Mavericks’ Ding Yanyuhang.

Pagkatapos ang balita na hindi nabigyan si Clarkson ng Clearance, pinalitan siya ni Don Trollano sa line-up. Ngayong nagbigyan ka ng go-signal ang NBA, muling hihilingin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na maipasama nanaman si Clarkson sa line-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?