54

Sep 13, 2020 @ 19:05
By

Jordan Clarkson nasarapan sa ‘babe time’

Sinusulit ni Fil-Am cager Jordan Clarkson ang bakasyon sa NBA kasama ang kanyang dyowa na si Ally Rossel.


Sa Instagram post ni Clarkson, makikita kung gaano kakapit ang lingkis ng manlalaro at kanyang girlfriend sa isa’t isa.


Ngunit trivia lang sa dyowa ng may dugong Pinoy, si Ally ay ex-girlfriend ng dating naging kakampi ni Clarkson sa LA Lakers na si Lonzo Ball!


Pahinga muna si Clarkson sa aksyon matapos malaglag ang Utah Jazz sa Western Conference 1st round kontra sa Denver Nuggets.


Wala pa ring paglalaruang koponan si Clarkson, na sasalang sa free agency sa kauna-unahang pagkakataon buhat nang ma-draft noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?