28

Mar 13, 2020 @ 11:46
By

Jordan Clarkson nagpa-test sa coronavirus

Kasama ang Fil-American guard na si Jordan Clarkson sa sumalang sa COVID-19 test matapos na magpositibo ang kakampi nitong si Rudy Gobert.

Bawat team staff at player ng Utah Jazz at Oklahoma City Thunder ay agad na sinuri sa virus.

Isa ang nahawaan ni Gobert, ito ay ang kapwa All-Star na si Donovan Mitchell.

Pinawi naman ni Clarkson ang pangamba ng kanyang mga fan at kinumpirmang negatibo siya sa nasabing virus.

“Thank you for all the love and prayers sent my way! I have been tested and i am good, wild 24 hrs glad i am healthy!” ayon kay Clarkson.

Kanya namang binanggit ang dalawang teammate na nagpositibo sa COVID-19 at hiling ang agarang paggaling ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?