45

May 31, 2020 @ 14:23
By

Jordan Clarkson join sa protesta sa George Floyd murder

Isa si Fil-Am NBA player Jordan Clarkson sa mga sumama sa protesta dahil sa pagkamatay ni George Floyd sa kamay ng pulis sa Minneapolis.

Sa Instagram post ni Clarkson, makikitang nakasuot ito ng mask habang naglalakad kasama ang mga raliyista sa Los Angeles, Sabado ng gabi.

Bukod sa Utah Jazz guard, makikita din ang NBA free agent na si JR Smith sa nasabing protesta.

View this post on Instagram

may 30th 2020

A post shared by Jordan Clarkson (@jordanclarksons) on


Maraming NBA star ang nagsasalita sa pagkamatay ni Floyd, na isang black man, isa pa rito ay ang four-time NBA MVP na si LeBron James at Minnesota Timberwolves big man Karl Anthony-Towns.

Si Floyd ay nasawi matapos malagutan ng hininga nang tuhudin ni police officer Derek Chauvin ang leeg ng black American dahil pumapalag umano ito sa aresto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?