72

By

Jordan Clarkson humagupit, Cavaliers tinumba ang Knicks

Sharing is caring!

Walang nakapigil sa Fil-Am na si Jordan Clarkson matapos bumuhos ng 28 puntos sa naging laban ng Cleveland Cavaliers kontra sa New York Knicks, 113-106, nitong Huwebes.

Nakalamang ang Cavaliers ng 22 puntos, ngunit nakahabol ang Knicks sa dulo para itarak ang 106-105 advantage, 32 segundo na lang ang nalalabi sa laro.

Ngunit bumuslo si Rodney Hood ng puntos para muling makaungos, dagdag sa kanyang 23 puntos na nakatulong para sa pag-eskapo sa Knicks, kasahog din ang 19 puntos ni rookie Collin Sexton.

Para naman sa Knicks, kapwa may tig-20 sina Tim Hardawat at Enes Kanter, na natalo ng limang sunod na laro, samantalang ang rookie na si Kevin Knox ay may 19.

Wala naman para sa Cleveland ang kanilang starting center na si Tristan Thompson, may sprained left foot at posibleng mawala ng 1 buwan.

Kasabay ng panalo ay ang unang laro sa pagbabalik ni Dellavedova, sinorpresa ng standing ovation at tumapos ng 15 puntos sa kabuuan ng laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?