129

Dec 27, 2019 @ 15:38
By

Jordan Clarkson enjoy sa Utah

Tila maganda ang panimula ng Fil-Am guard na si Jordan Clarkson sa kanyang bagong koponan na Utah Jazz.

Sa kanyang unang laro sa Utah kalaban ang Portland Trailblazers, umiskor agad ng nine points si Clarkson sa 11 minutes sa court, ngunit hindi na nasundan pa.

Gayunpaman, sapat lang ang naging kontribusyon nito matapos matakas ng Utah ang 121-115 win kontra Portland.

Matapos ang laro, game na nag-autograph para sa kanyang mga bagong fan sa Salt Lake City, bumuhos din ang pagsuporta sa kanya sa social media na pinupuri ang bago nilang aabangan sa Jazz.


Hindi biglaan ang trade ng Utah front office para kay Clarkson.

Matagal na umanong sinisipat ng nasabing koponan ang serbisyo ng dating Cleveland Cavaliers player, kaya naman nang magkaroon ng tsansang masungkit ito ay kaagad na kanilang sinunggaban.

“There was a little bit of a duh-factor being 28th in bench scoring,” ayon kay executive vice president of basketball operations ng Jazz na si Dennis Lindsey. “We needed to add someone that could just go and get a shot.”

Hindi naman mamadaliin ni Quin Snyder ang kanyang bagong armas at hahayaan itong masanay sa bagong sistema sa kanyang ikatlong koponan sa NBA, unang naglaro para sa Los Angeles Lakers kung saan nakasama si Kobe Bryant bago nalipat sa Cleveland na naging kakampi naman si LeBron James.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?