98

By

Jordan Clarkson desididong maglaro para sa Pilipinas

Sharing is caring!

Nais ngayon ng Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson na pumunta dito sa Maynila at maging bahagi ng Gilas Pilipinas, ayon sa Instagram post ng sportswriter na si Quinito Henson.

Sa post ni Henson, sinabi nito na bahagi si Jordan ng Gilas 12-man line-up na sasabak Asian Games at ang eligibility niya para makapaglaro ay tatalakayin ngayon ng 14 na koponan sa pulong ng Indonesia Asian Games Organizing Committee sa Jakarta.

“Jordan has appealed clearance from the NBA Players Association and is praying for a go-signal,” saad sa post ni Henson.

Kinumpara din ni Henson ang ilang manlalaro na sumabak sa Asian Games habang ito ay kasalukuyang nasa NBA gaya na ni Batere Mengke ng China na naglaro sa 2002 Busan Asian Games na ginanap mula Setyembre 28 hanggan Oktubre 14 at ilang beses din itong na-trade habang nasa Asian Games.

“And while in the Games, was traded by Denver to Detroit on Oct 1 and Detroit to San Antonio on Oct 3 – he couldn’t have been a free agent if he was traded, not traded, not once but twice DURING the Asian Games,” dagdag nito.

Sinabi din ni Henson na magiging inspirasyon ng mga Pilipino si Jordan kapag ito ay naglaro at maari niyang palitan ang BMX Cyclist na si Danny Caluag bilang flag bearer matapos magpull-out nito.

Humingi rin ng dasal si Henson sa mga netizen para mapayagan na maglaro para sa bansa ang naturang NBA star.

“Let’s pray and hope that Jordan plays. If you want Jordan to suit up for Gilas in Jakarta, please message #LetJordanPlay in every possible social media account now,” pagtatapos nito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?