123

By

Jordan Clarkson ‘binastos’ ng batang basketbolista

Kahit ang talentadong baller tulad ni Jordan Clarkson ay nalulusutan pa rin ng baguhan sa basketball.

Sa video na ni-retweet ng House of Highlights, matinding depensa ang tinapat ni Clarkson sa isang batang lalaki sa isang summer basketball camp.

Nag-drive ang bata patungong basket, biglang prumeno at pumeke ng tira na sinabayan ng Cleveland Cavalier guard.

Pagpihit ng bata ay aktong isho-shoot ang bola, ngunit nalinlang na naman ang Fil-Am NBA player.

Sa ikatlong pagkakataon ay tinuloy na ng young hooper ang kanyang tira, swak sa ring.

Maging si Clarkson ay natawa na lang sa pangyayari at pinakita pa ang kanyang pagsuporta sa ‘nambastos’ sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?