331

Oct 30, 2017 @ 13:23

‘Jopay’ kulong sa alok na ‘BJ’ sa estudyante

Kulong ang isang bading na kilala sa alyas na “Jopay” matapos alukin ng kalaswaan (blowjob) ang isang natipuhang teenager kamakalawa sa harap ng kanilang paaralan sa Calumpang, Marikina City.

Umiiyak nang ikulong ang suspek na si Jeoffrey Zamora, 32-anyos, production staff ng Rebisco at residente ng Unit 221 Valley Oasis, Jaypura Building Marcos Highway, Barangay Santolan, Pasig City na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o other forms of abuse.

Batay sa report na nakuha sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Sr. Supt. Romulo Sapitula, nagsampa ng reklamo si Enola Gay Cruz, 30-anyos, real estate agent at residente ng Barangay Santolan, Pasig City matapos makita ang cell phone ng pamangkin na itinago sa alyas Jojo, 13 taong gulang, estudyante, na bibigyan umano siya ng P300 kapalit ng ‘blowjob’.

Nabatid na nagtanong umano si “Jojo” sa kanyang tita kung ano ang ‘blowjob’ na agad nitong ikinagalit kaya ini-report sa barangay at upang maproteksyunan na rin ang kanyang pamangkin.

Bandang alas-9:30 kamakalawa nang maaresto ang suspek sa harap ng Calumpang Elementary School nang makipagkita na ang biktimang si “Jojo” dito at agad nang dinakma si “Jopay”.

Kasalukuyang nakakulong si “Jopay” sa Marikina detention cell habang inihahanda ang kaso laban sa kanya. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?